Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 6-anyos bata tinarakan nang 22 beses ng tiyuhin (‘Nangangagat na asuwang’)
6-anyos bata tinarakan  nang 22 beses ng tiyuhin (‘Nangangagat na asuwang’)

6-anyos bata tinarakan nang 22 beses ng tiyuhin (‘Nangangagat na asuwang’)

PATAY ang isang 6-anyos bata makaraan pag­­sasaksakin ng kani­yang tiyuhin sa Bacolod City, nitong Sabado ng madaling-araw, dahil malimit umano siyang kagatin ng pamangking ‘asuwang.’

Sa imbestigasyon ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Bacolod City police, 22 beses sinaksak ng suspek ang kaniyang pamangkin na anak ng kanyang kapatid dahil sa hinalang asuwang ang biktima.

READ MORE:  Sanggol dedbol sa bumagsak na aparador

Hinihinalang nasa ilalim ng impluwensiya ng ilegal na droga ang suspek, ayon kay Insp. Arlyn Torrendon, hepe ng WCPD sa Bacolod City.

Kuwento ng babaeng kapatid ng suspek, na tiyahin din ng biktima, nasa kabilang bahay sila ng 7-anyos kapatid ng biktima nang makarinig sila ng pagsigaw ng bata.

READ MORE:  Maging responsable sa ‘Ruby’ reporting (PNoy sa media)

Nang puntahan ang bahay ng suspek ay bumulaga sa kaniya ang biktimang duguan at wala nang buhay.

Habang ayon sa ama ng biktima, matagal nang nagbabala ang kaniyang babaeng kapatid na huwag iwanang mag-isa ang mga anak sa suspek dahil gumagamit umano ng ilegal na droga.

READ MORE:  Glenda lumakas storm signal itinaas sa 22 lugar

Ngunit giit ng suspek, aswang talaga ang bata dahil madalas daw siyang kinakagat.

Desidido ang ama ng biktima na sampahan ng kaso ang kaniyang kapa­tid.

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved