Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora, Noranians, ‘di nabastos ni Duterte
Nora, Noranians, ‘di nabastos ni Duterte

Nora, Noranians, ‘di nabastos ni Duterte

TAMA ba ang sinasabi ni Nora Aunor na ”hindi ako ang binastos nila. Ang binastos nila ay ang mga Noranian at ang iba pang naniniwala sa akin,” matapos na muling ma-bypass ng presidente ang kanyang nomination bilang isang national artist?

Ipagpatawad ninyo, pero sa palagay namin ay hindi. Palagay po namin ay walang nabastos kahit na sino. Hindi natin maikakaila na nasabi iyon ni Nora dahil masama ang loob niya matapos na siya ay mabutata ulit sa ikalawang pagkakataon, pero hindi ibig sabihin niyon ay binastos siya.

READ MORE:  Gina, kabado sa pagdidirehe kay Nora

Iyang mga National Artist ay inire­rekomenda ng CCP at NCCA sa presidente ng Pilipinas na siyang humi­hirang sa pamamagitan ng isang “presidential proclamation.” Hindi dahil nominated ka ay tiyak na kasama ka na. Naroroon pa rin ang tinatawag na “presidential prerogative.” Siya ang gagawa at pipirma ng proclamation. Kung may mali, siya ang mababatikos ng publiko. Natural lamang para sa isang presidente na bago gumawa ng proclamation ay walang masasabi ang iba. Hindi baleng batikusin siya dahil sa pag-bypass. Mas masama kung batikusin siya sa paglalagay ng hindi karapat-dapat. Ganyan ang nangyari noon kay Presidente Gloria Macapagal Arroyo, na gustong ibigay ang karangalan sa mga taong inaakala niyang karapat-dapat naman, pero pinalagan ng mga tao.

READ MORE:  Allen Dizon, naka-pitong Best Actor na para sa Magkakabaung

Ano ang nangyari, hindi ba lumabas pang ang ginawa ni Arroyo ay “abuse of powers”?

Dapat ding maintindihan ng mga nominee na oras na isumite sa presidente ang inyong pangalan, napailalim na kayo sa kanyang presidential prerogative. Kung ayaw niya sa inyo wala kayong magagawa at hindi kayo dapat umangal. Ginagawa lang niyong tao ang sa tingin niya ay tama. Wala rin naman siyang binastos sino man sa inyo.

READ MORE:  Wig ni Nora, agaw pansin

Pero hindi na kami magtataka sa ganyang reaksiyon ni Nora. Hindi ba matapos na i-bypass din siya ni PNoy bilang National Artist ay naging visible siya sa mga rally na humihiling na mag-resign na si PNoy? Hindi kami magtataka kung sasama rin siya sa ma rally ngayon kontra kay Duterte.

HATAWAN
ni Ed de Leon

‘Wag sirain si Maricel

‘Wag sirain si Maricel

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved