Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Customs sa AFP pakitang tao? — Solon
Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

Customs sa AFP pakitang tao? — Solon

PAKITANG TAO la­mang ang pagsailalim ng Bureau of Customs sa Armed Forces of the Philippines para masabi na makapangyarihan ang presidente.

Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin, para nang isinailalim ang bansa sa martial law.

Aniya, ginagawang dahilan ang problema sa droga sa pagamit ng mar­tial law at iniiwas sa tunay na isyu na hina­yaang makalabas ang mga itinalaga ng Pangu­long Rodrigo Duterte na panagutin sa pagpuslit ng P11-bilyong halaga ng droga sa Customs.

READ MORE:  Narco mayors ‘di lulusot sa ‘high treason’

Inabsuwelto, ani Villarin, ni Duterte ang kanyang appointee na si Isidro Lapeña imbes paim­bestigahan at pana­gutin.

Ang paglalagay sa militar ng BoC ay hindi maka­tuwiran at pagpa­pakita na kontrolado ni Duterte ang bansa.

Sa panig ni Muntin­lupa Rep. Ruffy Biazon, dating commissioner ng Customs, ang direktiba ng pangulo ay nagpa­pakita ng matinding pagkabigo sa paulit-ulit na problema sa smug­gling at korupsiyon.

READ MORE:  17 Chinese nat’l timbog sa pekeng yosi

Ani Biazon, dapat malinaw ang papel ng militar sa Customs – anong mga posisyon ang hahawakan ng militar at kung hanggang kailan sila sa puwesto.

“Just like any mission given to the military before they operate, the objectives must be specific, their roles defined and an exit plan prepared,” ani Biazon.

READ MORE:  Roque dapat mag-aral pa ng batas — Lagman

Aniya tatlo ang mandato ng Customs gaya ng pagkolekta ng buwis, trade facilitation at border security.

(GERRY BALDO)

Martial law sa Customs

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

AFP takeover sa Customs suportado ni Sotto

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

AFP takeover sa Customs kaduda-duda — Pangilinan

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved