Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Regine, nagbalik-Kapamilya!
Regine, nagbalik-Kapamilya!

Regine, nagbalik-Kapamilya!

ANIMO’Y may komosyon sa ABS-CBN kahapon ng hapon dahil sa ginawang pagsalubong kay Regine Velasquez para sa pagpirma nito ng kontrata sa Kapamilya Network.

Napaka-engrande ng nangyaring pagsalubong kay Regine na dinaluhan ng mga tagapamahala ng kompanya at ng mister niyang si Ogie Alcasid.

READ MORE:  Anak nina Ogie at Regine, magaling magpinta

Dumalo sa pirmahan sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinall TV Production head Laurenti DyogiCacai Velasquez, manager ni Regine; Chief Operating Officer Cory Vidanes; Chairman of ABS-CBN Mark Lopez; President and CEO Carlo Katigbak; at Kat Lopez, CEO for Broadcast.

READ MORE:  Sikreto ng pananatili sa tuktok ibinahagi ni Regine

“I am now a certified Kapamilya,” masayang sambit ni Regine matapos niyang pumirma ng kontrata sa  ABS-CBN, na nagpapatibay sa kanyang paglipat sa Kapamilya Network.

Sa report ng abs-cbnnews.com, sinabi ni Regine na sabik siyang lumahok sa mga proyekto ng Dos at makasama ang ilang mga bituin ng network gaya nina Sharon Cuneta, Gary Valenciano, at Martin Nievera.

READ MORE:  Regine, feel na feel agad ang pagiging Kapamilya

Inanunsiyo rin ang paglahok ni Regine sa pagtatanghal ng programang  ASAP sa Sydney, Australia sa Oktubre 20 sa ICC Sydney Theatre. (MVN)

 

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top