Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beteranong actor, sa anak na actor na walang trabaho humihingi ng luho
Beteranong actor, sa anak na actor na walang trabaho humihingi ng luho

Beteranong actor, sa anak na actor na walang trabaho humihingi ng luho

MABUTI na lang at magiging aktibong muli ang beteranong aktor na ito, at bakit naman aber?

Inirereklamo kasi siya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang dyunakis na aktor din dahil, “Sukat ba namang gusto pa niyang (veteran actor) bilhan daw siya ng shares sa isang country club para sa kanyang pastime sport!”

Okey lang naman daw sa pamilya ng masyondang aktor na maglambing ito sa kanila. “Kaso, ang napili pang hingan ng veteran actor na’yon, eh, ‘yung isang anak niya na wala rin namang trabaho. Bukod pa roon, eh, may sarili na rin itong pamilya, ‘no! Alangan namang unahin nito ang luho ng fadir niya, ‘di ba?” dagdag pa ng aming source.

READ MORE:  Aktres, ‘di na tatakbong senador, imahen bumantot
READ MORE:  Direk Carlo, masigla na naman, umaasiste sa anak na direktor

Hirit pang tsika, dumating na nga raw sa puntong maging ang asawa ng veteran actor na ‘yon ay imbiyerna noong time na wala itong trabaho.

READ MORE:  Male host, diring-diri sa mga faney

“’Yung asawa niya ang humahanap ng raket, maka-survive lang sila. Naglulumayf-style rin kasi ang pamilyang ‘yon, eh,” tip pa sa amin.

Da who ang maluhong beteranong aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Freddie Gucci.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved