Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)
Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)

Armadong lumapit kay Andaya, kinuyog (Habang naghahain ng COC sa CamSur)

NAGKAROON ng ko­mosyon sa tanggapan ng Commission on Elec­tion sa Camarines Sur nang pagtulungan ng mga tao ang isang lalaking arma­do umano ng baril at nagtangkang lumapit kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na maghahain noon ng kaniyang Certificate of Candidacy, kamakalawa.

Ayon sa ulat, sinabing pinagtulungan ng mga tao ang lalaki na maha­wakan at mapigilan dahil nagtangka raw bumunot ng baril.

READ MORE:  Kompanyang may ENDO ipasasara

Ngunit mariing iti­nang­gi ng lalaki na sa kaniya ang nakuhang baril at nagpakilalang miyem­bro siya ng Civil Security Unit ng kapitolyo.

Nasa lugar lang uma­no siya para manood ng mga nangyayari sa labas ng Comelec.

READ MORE:  49 Navy inalis sa puwesto (Sa pagkamatay ng 2 Vietnamese)

Nang mangyari ang insidente, nakatakdang maghain ng COC si Andaya para tumakbong gobernador ng Camarines Sur.

Makakalaban ni An­da­ya ang kasa­lukuyang gobernador ng lalawigan na si Migz Villafuerte.

Sa hiwalay na ulat, sinabing bago maisakay sa police mobile ang lalaki, isang lalaking nagpakilalang pinuno ng CSU ng kapitolyo ang nagsabing tauhan niya ang inarestong lalaki.

READ MORE:  Poster ng anak ni Laarni nagkalat sa Sampaloc

Ayon kay Andaya,  kasalukuyang House Majority leader sa Ka­mara, sinabi sa kaniya ng kaniyang security aide na matagal na umano siyang minamanmanan ng nahuling lalaki.

Mahaharap sa kasong illegal possession of firearms ang nasabing lalaki.


Ambush kay Andaya nabigo
Ambush kay Andaya nabigo
COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved