Tuesday , November 13 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, ginawang katatawanan
Maine, ginawang katatawanan

Maine, ginawang katatawanan

GALIT ngayon ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza kay Archie Alemania. May kuhang video kasi si Archie natinutukso nito si Juancho Trivino tungkol sa relasyon umano nila ni Maine.

That time, ay nasa Cebu ang dalawa, kasama ang co-stars nila sa Inday Will Always Love You na sina Ruru Madrid, Buboy Villar, at Derrick Monasterio. Hindi rin nagustuhan ng fans na ginagawa umanong katatawanan si Maine ng mga kaibigan ni Juancho.

READ MORE:  Alden, madalas na puntirya ng fake news

Dahil dito, bina-bash nila si Archie. Damay na rin sina Ruru at Buboy. Si Juancho, noong una pa lang ay bina-bash na ng Aldub Nation, mula nang ma-link siya kay Maine.

READ MORE:  My Very Best Kyla album, one of a kind

Kahit sinabi na ni Maine noon, sa ginawa niyang open letter para sa mga fan nila ni Alden, na magkaibigan lang sila ng aktor, at hindi magkarelasyon, ay umaasa pa rin talaga ang mga ito na mauuwi sa totoong buhay ang loveteam ng dalawa.

Siguro, inisip lang nila, na noong gawin ni Maine ang open letter ay wala pa talaga silang relasyon ni Alden, at puwedeng maging sila, pagdating ng panahon, ‘di ba?

READ MORE:  Gerald sa paggawa ng action film: Iba ang thrill, iba ang adrenalin sa paggawa ng action

Kaya hindi nila siyempre matatangap na may iba nang karelasyon si Maine, kung totoo man ang sinabi ni Archie sa kanyang video.

(ROMMEL PLACENTE)


Maricel-Sharon movie, hiling ng fans
Maricel-Sharon movie, hiling ng fans
COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved