Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kenken Nuyad, wish sa Pasko na makasama sina Bossing Vic at Coco Martin
Kenken Nuyad, wish sa Pasko na makasama sina Bossing Vic at Coco Martin

Kenken Nuyad, wish sa Pasko na makasama sina Bossing Vic at Coco Martin

MAGANDA ang takbo ng showbiz career ng child actor na si Kenken Nuyad. Bukod sa sunod-sunod ang mga pelikula niya, visible rin siya sa TV ngayon.

Ang ilan sa mga pelikulang nakasali siya ay sa School Service ng BG Productions ni Ms. Baby Go na pinag­bidahan ni AiAi delas Alas, ang ToFarm entry na SOL Sear­ching na tampok si Pokwang, at sa Liway starring Glaiza de Castro na naging entry sa Cinemalaya. Dito’y nanalo si Kenken ng Special Jury Award For Acting.

Kamakailan lang ay nanalo rin sa 41st Lucas International Film Festival for Young

READ MORE:  Jillian Ward, tampok sa Magpakailanman ngayong Sabado

Film Lovers sa Germany ang short film na Ngiti ni Nazareno na pinagbidahan ni Kenken bilang Best Short Film. Ito’y mula sa pamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio.

Incidentally, pasok ang School Service sa 34th Warsaw Film Festival.

Sa TV, napapanood naman si Kenken ngayon sa FPJ’s Ang Probinsyano at Wansapanataym Presents: ManiKen ni Monica starring Jerome Ponce. Na­banggit ni Kenken na sobrang saya niya sa kanyang mga bagong TV shows.

Aniya, “Super happy po tito, kasi nakasama ko si kuya Coco at kasali rin ako sa Wansa­pataym. Ang galing niya mag­direk, kaya paglaki ko gusto kong maging direktor ako katulad ni Kuya Coco. At si kuya Coco, bukod sa magaling ay ang bait pa.”

READ MORE:  Sarah, kailangan ng pahinga sa 15 taong pagtatrabaho

Pahabol pa niya, “Sa Wan­sa­pataym, ako po si Kidliit, sidekick ni Taylor Master (Benj Manalo). Kami po ang tutupad sa wish ni kuya Jerome Ponce.”

Sinabi rin ni Kenken na wish niyang makasali sa MMFF entry na Jack Em Popoy: The Pulis­credibles na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Mar­tin. ”Sana kunin nila ako, ni kuya Coco na maging sidekick niya o kaya ni Bossing Vic at makita ko na rin si bos­sing Vic, ‘yun talaga ang wish ko po sa Pasko, na makasama ko silang dala­wa.

READ MORE:  Subtitle ng FPJAP, hiling ng may mga kapansanan sa pandinig

“Hindi ko pa po kasi nakikita si Bossing Vic, kasi noong sumali po ako dati sa Eat Bulaga sa Batang Pinoy Henyo, wala po siya.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


Aiko Melendez, full support sa kandidatura ng BF na si Jay Khonghun bilang Vice Gov ng Zambales
Aiko Melendez, full support sa kandidatura ng BF na si Jay Khonghun bilang Vice Gov ng Zambales
COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved