Friday , December 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Excise tax sa langis suspendehin na
Excise tax sa langis suspendehin na

Excise tax sa langis suspendehin na

MABUTI naman at napag-iisipan na ng Malacañang ang suhestiyon ng maraming mambabatas hinggil sa pagsuspende ng excise tax sa mga produktong petrolyo, bilang isang paraan para maibsan ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Kahapon, inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ikinokonsidera na ng kanyang administrasyon ang pagsuspende ng pagpapataw ng excise tax sa presyo ng langis.

READ MORE:  Fariñas: Bukod kang pinagpala

Ayon sa pangulo, pinag-aaralan na ng kanyang Finance Secretary na si Carlos Dominguez ang panukala ng mga mambabatas, partikular ang mga taga-oposisyon, nang sa ganon ay maibsan kahit paano ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

READ MORE:  Congrats DPS-G2... Gen. Pagdilao at DAID “umiskor” ng P50M shabu

Sana lang ay bilis-bilisan ng pangulo ang pagdedesisyon hinggil dito dahil mukhang walang kapag-a-pag-asa na bumaba ang presyo ng petrolyo sa world market. Maka­bubuting hingin na niya sa kanyang mga kaalyado sa Kongreso na gawan ng resolusyon para suspendehin ang excise tax at agad-agad niya itong ipag-utos.

READ MORE:  Erap and co., kasuhan sa anomalous contract ng Army and Navy Club

At alam naman natin na kapag hindi tumigil ang pagtaas ng presyo ng krudo, ay wala rin tigil ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at sa huli, ang lagi namang tatamaan o maaa­pektohan ay maliliit na mamamayan na kapos ang suweldo para sa araw-araw na gastusin.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved