Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BFF/PA ni Jake Vargas na si Jabo Allstar, nag-audition sa PBB
BFF/PA ni Jake Vargas na si Jabo Allstar, nag-audition sa PBB

BFF/PA ni Jake Vargas na si Jabo Allstar, nag-audition sa PBB

MARAMING nangangarap makapasok sa mundo ng show­biz at isa sa sure way para magkaroon ng break ay sa Pinoy Big Brother.

Isa rito si Jabo Allstar, isang talent na nangangarap maging Housemate sa Bahay ni Kuya. Deter­minado si Jabo, kaya hindi niya alintana ang mga hirap na pinag­daanan sa pagsabak sa matinding audition dito. Isa nga siya sa 60 thousand auditio­nees sa Starhunt ng ABS CBN na nanga­ngarap na makapasok sa Bahay ni Kuya.

Aminadong mahirap ang audition, pero ipinahayag ni Jabo ang intensiyon niya sa pagsali rito. Sambit niya, “Yes po mahirap, so­brang hirap po sa audition, ang daming tao pero nalampasan ko naman po ‘yung mga mall audition, 47 thousand plus, lahat-lahat.”

READ MORE:  Xian, pressured dahil papalitan si Lloydie sa isang teleserye

Pahabol ni Jabo, “Sumali po ako sa PBB kasi siyempre gusto kong makatulong sa magulang ko at sa mga may kapansanan. Kasi iniisip ko paano kung ako ‘yung nandoon sa kalagayan nila? Kaya gusto kong sumikat at makapag-ipon para tumulong sa mga nangangailangan.”

Marami na rin teleseryeng nakasali si Jabo, kabilang dito ang AsintadoMaynila, Wild­flower,  La Luna San­greAng ProbinsyanoSunday Pinasaya, at iba pa.

READ MORE:  Coco Martin, bagong Santa Claus ng showbiz

Ang unang show ng determinadong newcomer ay ang Oh My Mama na pinagbi­dahan ng Kapuso actor na si Jake Vargas. Mula pa noong 2012 sila magkakilala ni Jake at ito rin ang nagbigay sa kanya ng chance na maging talent sa show na pinagbidahan niya. Mula roon, naging BFF at PA na rin siya ni Jake.

Nabanggit pa ni Jabo kung paano siya nagsimula bilang PA ni Jake, ”Nagkakilala kami sa computer shop, actually naging kaibigan ko siya at isinasama-sama lang niya ako sa taping, hanggang natulungan niya akong magkaroon ng show.”

READ MORE:  Keanna Reeves kinababaliwan ng bagets (Sobrang maalaga kasi sa papa!)

Si Jake, sobrang bait niya, mabait siyang kasama…

Sagot niya lahat, sa kanya rin ako nakatira at wala akong binabayaran, ganoon siya kabait,” dagdag niya.

Sa ngayon, bukod sa PBB ay excited si Jabo na makasali sa TV series na tatampukan ni Gerald Anderson.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved