Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Magsiyota huli sa drug bust
Magsiyota huli sa drug bust

Magsiyota huli sa drug bust

ARESTADO ang magkasintahang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Caloocan City.
Kinilala ang mga suspek na sina Ma. Richelle Ann Piquero, 24-anyos, residente sa 66 Simon St., Brgy. Acacia, Malabon City, at Joel Nicodemos, 38, nakatira sa 118 Decena St., Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City.
Sa imbestigasyon ni PO1 Jezell Delos Santos, dakong 10:50 pm, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Northern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) laban sa mga suspek sa Velasco St., Brgy. 7, Caloocan City.
Nakuha sa dalawang suspek ang 10 gramo ng hinihinalang shabu. (ROMMEL SALES)

COMMENTS
READ MORE:  6 sugatan sa bus vs van sa Caloocan

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved