Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Parking attendant patay sa sagasa ng senglot na bokal
Parking attendant patay sa sagasa ng senglot na bokal

Parking attendant patay sa sagasa ng senglot na bokal

PATAY ang isang park­ing attendant makaraang masagasaan ng rumara­gasang kotse na mina­maneho ng isang bokal sa lalawigan ng Isabela, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa ulat ni C/Insp. Manolo Refugia, hepe ng Quezon City Police District –Traffic Enforce­ment Sector 4,  hindi umabot nang buhay sa Capitol Medical Center ang biktimang si Celso Calacat, 50, residente sa Block 7, Gumaok Central, San Jose Del Monte, Bulacan.

READ MORE:  Nat’l ID system ipatutupad ngayong taon

Habang agad sumu­ko sa mga awtoridad si Ed Christopher Go, 29, board member sa Isabela, at residente sa 46 Berlin St., Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

Siya ay nahaharap sa kasong reckless impru­dence resulting in homi­cide at paglabag sa Section 53 ng RA 4136 o Driving under the in­fluence of liquor.

Ayon kay PO3 Joel Aviso, dakong 12:30 am nang mangyari ang insidente sa harap ng East West Bank sa kanto ng Tomas Morato Ave. at Scout Fuentebella, Brgy. Sacred Heart sa nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Wanted na anak ni Napoles nasa PH pa rin — BI

Ayon sa saksing si Kristian Salvador, nag­papaatras ng sasakyan ang biktima nang tum­bukin siya ng BMW na may plakang 27773, na minamaneho ni Go.

Sa lakas ng impact, tumilapon nang tatlong metro si Calacat dahilan ng pinsala sa kanyang ulo at katawan. Agad dinala sa Capitol Medical Center ang biktima ngunit hindi umabot nang buhay.

READ MORE:  Ping pumalag sa paglaya ng kidnaper (Naudlot na hustisya para sa biktima)

Habang nagpositibo sa isinagawang alcoholic test si Go.

Samantala, pasado 10:00 am, itinakbo ng ambulansiya sa Cardinal Hospital sa San Juan City ang bokal bunsod nang pagsuka ng dugo dahil sa pagka-untog ng dibdib at ulo sa loob ng sasakyan nang maganap ang insi­dente. (ALMAR DANGUILAN)

COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved