Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mocha ‘di absuwelto sa resignasyon (Andanar dapat sumunod kay Uson)
Mocha ‘di absuwelto sa resignasyon (Andanar dapat sumunod kay Uson)

Mocha ‘di absuwelto sa resignasyon (Andanar dapat sumunod kay Uson)

HINDI ligtas si Assistant Secretary Mocha Uson sa pananagutan matapos siyang mag-resign sa puwesto sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Rep. Salva­dor Belaro, ng 1-Ang Edukasyon Party-list, ang hepe ng PCOO na si Sec. Martin Andanar, ay dapat rin sumunod kay Uson.

Ang pagbibitiw ni Uson, ani Belaro ay isang gintong oportunidad para sa Malacañang at sa PCOO na baguhin ang anyo ng ahensiya.

READ MORE:  Totoy, nene minolestiya ng tiyuhin

Iminungkahi rin ni Belaro na magkaroon ng masusing audit sa PCOO lalo na sa opisina ni Uson.

Aniya si Uson ay isa lang sa mga sintomas kung anong masama mayroon sa PCOO.

Dagdag ni Belaro, ang PCOO, kabilang ang Philippine News Agency (PNA) ay dapat na pina­mumunuan ng “compe­tent” na mga tao.

READ MORE:  Dan Fernandez, okey sa Federalismo, pero…

Sa panig ni Akbayan Rep. Tom Villarin,  “contemptuous” at aro­gante si Uson.

Ang pagtanggi ni­yang humarap sa kongre­so ay saliwa sa asal na inaasahan sa isang opi­s-yal ng gobyerno.

“She’s devilishly arrogant and mischief is her virtue. As a public servant she should not be beyond public scrutiny and admonition,” ani Villarin. Ayon kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, nagta­tanggal na ng bagahe si Pangulong Duterte para maisalba ang kanyang imahe.

READ MORE:  Lola tostado sa sunog

“‘Yung kaisa-isang malinaw na tungkulin na ibinigay sa kanya ng Pangulo (federalism IEC) e nagdulot ng embar­rassment sa Mala­ca­ñang,” ani Baguilat.

Ang maikling pani­nilbihan ni Uson ay naba­hiran ng katakot-takot ng kontrobersiya, ani Mag­dalo Rep. Gary Alejano.

(Gerry Baldo)

Resignation ni Mocha aprub kay Duterte

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved