Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Mag-utol niratrat, 1 dedbol
Mag-utol niratrat, 1 dedbol

Mag-utol niratrat, 1 dedbol

PATAY ang isang 21-anyos lalaki habang sugatan ang kanyang kapatid nang pagbaba­rilin sila habang lulan ng motorsiklo, ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng Toyota Innova sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Agad nalagutan ng hininga sa insidente ang biktimang si Angelbert Paco, 21, residente sa 101 Purok 6, Tramo Heights, Brgy. Sucat ng siyudad, sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

READ MORE:  P6-M Lotto 6/42 jackpot tinamaan ng taga-Cavite

Habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa ang kapatid niyang si Kim Paco, 25, graduate ng BS Crimi­nology, nakatira sa nasabi ring lugar, tinamaan ng bala sa kanang baywang.

Ayon kay Muntinlupa City police chief, S/Supt. Gerry Umayao, nangyari ang insidente dakong 6:15 pm sa Posadas Avenue, harapan ng Patio Homes Subdivision, Brgy. Sucat ng lungsod.

READ MORE:  Alerto itinaas ng DoH vs Ebola virus

Base sa report, mag­kaangkas ang magka­patid sa isang motorsiklo at habang binabaybay ang naturang lugar nang harangin sila ng isang Toyota Innova na may plakang UJO-863, at pinagbabaril ang mga biktima ng ilang lalaki sakay nito.

READ MORE:  25 patay sa 24-oras anti-crime ops sa Maynila (Bulacan ‘di titigil sa operasyon kontra droga)

Pagkatapos ng pama­maril ay tumakas ang mga suspek patu­ngong Brgy. Upper Sucat ng lungsod.

Habang pinaharurot ng nagmamanehong si Kim ang kanilang motor­siklo para takasan ang mga suspek na inakalang hahabulin sila ngunit nahulog mula sa motor­siklo ang nakababatang kapatid.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng mga awtori­dad sa insidente.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved