Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Joel Maglunsod sinibak ni Digong (Crackdown sa KMU umpisa na)
Joel Maglunsod sinibak ni Digong (Crackdown sa KMU umpisa na)

Joel Maglunsod sinibak ni Digong (Crackdown sa KMU umpisa na)

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Labor Underscretary Joel Mag­lunsod, ang huling opi­syal sa kanyang administrasyon na rekomen­dado ng National Demo­cratic Front (NDF).

Hindi direktang ti­numbok ng Pangulo ang dahilan ng pagpapaalis niya kay Maglungsod ngunit hindi ikinubli ang pagkapikon sa patuloy na pagsasagawa ng strike ng mga obrero na nakaa­apekto aniya sa ekono­miya ng bansa.

“Pero ang solusyon talaga dito, doon sa urban areas, iyong mga labor-labor, mga t******** rin ‘yang kasama ninyo and sa white area, ‘yung agita­tion ng ano, ‘yan paghu­hulihin ko talaga ‘yan. Kasi kung mag-strike sila nang mag-strike, sabihin mo sa kanila strike sila nang strike, they willl paralyze the economy. ‘Pag wala nang pera ang mga trabahante tapos magkagulo, mapipilitan ako. Ayaw ko,” anang Pangulo.

READ MORE:  Mag-utol, 1 pa tiklo sa paggawa ng pekeng pera

Kung ‘papasukan’ aniya ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang mga unyon ng mga mangga­gawa ay uutusan niya ang mga awtoridad na huli­hin ang mga taga-KMU.

READ MORE:  Sino ba talaga ang suportado mo sa Pasay, Mayora Inday Sara?

“Pero kung papasu­kan na, huhulihin ko lahat ‘yang Mayo Uno at si Joel Maglungsod, iyong Undersecretary ng DAR — Labor Joel Maglungsod pinaalis ko. Pinagbigyan ko sila noong bago ako kasi gusto ko ma… Nandoon sila sa opisina, Joel Maglungsod, sila lahat. Sige pa sila — sama-sama pa kami sa Davao,” dagdag niya.

Si Maglunsod ay dating Anakpawis party-list representative at naging secretary general at vice chairperson ng KMU.

READ MORE:  18 katao arestado sa QC drug den

Nauna rito, isiniwalat ng militar na bahagi ng Red October ouster plot ang Oplan Aklasan o ang operational plan na iki­nakasa ng Communist Party of the Philippines (CPP) at kanilang pren­teng organisasyon na magkakasabay na pag-aaklas ng mga pabrika at boycott sa mga uni­bersidad na magbibigay daan sa pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved