Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jolo, Luigi, at Bryan, sinuportahan ng kanilang Lolo Ramon
Jolo, Luigi, at Bryan, sinuportahan ng kanilang Lolo Ramon

Jolo, Luigi, at Bryan, sinuportahan ng kanilang Lolo Ramon

LARAWAN ng kasiyahan at ramdam namin ang pagmamalaki ni dating Senador Ramon Revilla Sr., sa kanyang mga apong sina Bryan, Luigi, at Jolo nang dumalo ito sa red carpet premiere night ng pelikulang Tres handog ng kanilang Imus Productions na  ipinamamahagi ng Cine Screen ng Star Cinema at palabas na sa Oktubre 3.

Bukod kay Don Ramon, kompleto rin ang buong pamilya Revilla, mula kay Mayor Lani Revilla, naroon din sina Marlon Bautista at asawa nitong si Gigi dela Riva, Andrea Bautista Ynares, Chaye Cabal-Revilla ng Smart PLDT at namigay ng anim na cellphones, at iba pa.

READ MORE:  Raymond, hands-on sa kanyang trabaho sa Showbiz Police

Sumuporta rin si Precy Vitug Ejercito kasama ang dalawang anak at iba pang mga kasamahan at kaibigan sa industriya.

Dinumog ng fans at mga kaibigan, kamag-anak ang premiere night ng Tres na talaga namang hitik sa action.

READ MORE:  Nakababatang kapatid ni Bong, Sharonian

Tama ang tinuran ni Luigi na malalim umarte ang kapatid na si Bryan na bagamat aksiyon ang tema ng Virgo ay kitang-kita ang galing ni Bryan mag-drama.

Naglalakihang artista naman ang sumuporta sa 72 Hours ni Jolo tulad nina Tirso Cruz III, Phillip Salvador, Albert Martinez, Rhian Ramos at marami pang iba.

Okey din ang pagganap bilang adik ni Luigi sa Amats at naipakita nito ang husay bilang black belter. Talagang inabangan ko ang paglalaban nila ni Markki Stroem na natanggal ang isang ngipin dahil sa lakas ng pagkakasipa niya rito.

READ MORE:  Jolo, binasag ang pananahimik — Yes, I’m single

Sa kabuuan, kung hanap ninyo ang isang maaksiyong pelikula, itong Tres ang sagot.

At sana’y hindi ito ang una at huling paggawa ng pelikula nina Bryan, Luigi, at Jolo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved