Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kathryn, na-bash, ‘di raw nag-effort mag-ayos sa ABS-CBN Ball
Kathryn, na-bash, ‘di raw nag-effort mag-ayos sa ABS-CBN Ball

Kathryn, na-bash, ‘di raw nag-effort mag-ayos sa ABS-CBN Ball

KALIWA’T kanan ang puna na nabasa namin tungkol kay Kathryn Bernardo sa suot nitong white dress sa nakaraang ABS-CBN Ball dahil sobrang simple raw at nakatali lang ang buhok ng aktres. Sa madaling salita, tila hindi nag-effort ang girlfriend ni Daniel Padilla sa nasabing okasyon.

Sabi ng ilang bashers, “Akala ko ba successful ang movie, bakit ganyan? May mali sa suot.”

May mga nagtang­gol naman na ito ang gusto ng dalaga, maging simple at kom­portable sa kasuotan niya.

READ MORE:  Pinoy, ‘di totoong naghihirap (Sa pagkita ng The Hows of Us ng P400.7-M)

Ang mga nabasa naming komento ng ta­ga­pagtang­gol ni Kath, “simplicity is beauty. Ganyan talaga ang tunay na maganda, elegante at hindi kailangan ng kung ano-ano. Ayaw na niyang manalo kaya ipinaubaya na niya sa iba. She don’t need to look rich, she is already glamorous and rich. ‘Di nya kalangan makipag-kompitensiya. Nakuha na na niya lahat.”

Baka nga kasi gusto pa rin ng mga pumuna sa aktres na siya pa rin ang manalong Female Star of the Night na napanalunan ni Jodi Sta. Maria ngayong taon at si Jericho Rosales naman ang hinirang bilang Male Star of the Night.

READ MORE:  Atty. Joji, ka-level na ang Star Cinema at Viva Films sa pagpo-produce
READ MORE:  Ai Ai, never naglihim ukol sa batang BF

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan


Kathryn, na-bash, ‘di raw nag-effort mag-ayos sa ABS-CBN Ball
Kathryn, na-bash, ‘di raw nag-effort mag-ayos sa ABS-CBN Ball
COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved