Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga bida sa Para sa Broken Hearted, may kanya-kanyang hugot
Mga bida sa Para sa Broken Hearted, may kanya-kanyang hugot

Mga bida sa Para sa Broken Hearted, may kanya-kanyang hugot

HATID ng Viva Films ang pelikulang hango sa best-selling book ng kilalang Hugot Novelist na si Marcelo Santos III na handa na para antigin ang inyong damdamin sa pagbubukas nito sa mga sinehan sa October 3, ang Para sa Broken Hearted.

Ang PSBH ay pinagbibidahan nina Yassi Pressman bilang si Shalee isang photography enthusiast na masayahin sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng sakit sa puso. Bata pa lang sila ay may gusto na siya kay Alex (Sam Concepcion).

READ MORE:  Paolo Ballesteros at Yam Concepcion nag-enjoy sa isa’t isa

Si Shy Carlos naman ay si Jackie, isang go-getter, laki sa nanay at lola, alam niya na kayang makamit ng babae anuman ang gustuhin niya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para mapalapit kay RJ (Marco Gumabao).

Si Sam naman ay si Alex na mahilig rin sa arts, ngunit halimaw ang paborito niyang iguhit. Walang pumapansin sa kanya, maliban kay Shalee na nagpabago ng kanyang pananaw sa buhay.

READ MORE:  Suwerte na napangasawa ang girl of his dream

So Marco (RJ) ay isang varsity player na may matamis na dila, kaya naman maraming nagkakagusto sa kanya. Gayunman, nangako siya kay Jackie na hindi niya ito sasaktan.

Si Louise Delos Reyes si Kath na malakas ang loob at mahilig sa lakaran. Marami siyang hugot , isang senyales na may dinadala siyang kalungkutan. Makikilala niya si Dan sa panahong ginagamot niya ang kanyang pagkasawi sa pag-ibig.

READ MORE:  PNoy, bumaba ang rating dahil kay Nora

Si Sam ay masarap kausap, kaya kahit ang complete stranger na si Kath ay napalapit sa kanya. Pero may pagka-mysterious din ito dahil hindi ganoon ka-open sa kuwento niya.

Ang Para sa Broken Hearted ay idinirehe ni Digo Ricio at mapapanood sa October 3.

MATABIL
ni John Fontanilla


Andrea, nagka-spine injury sa sobrang pagbubuhat
Andrea, nagka-spine injury sa sobrang pagbubuhat
COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved