Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo
Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo

Ex-NFA chief sinisi sa bumagsak na trust rating ng pangulo

SINISI si dating Natio­nal Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino at sina­bing utak sa krisis sa bigas na dinaranas ng bansa na nagresulta sa paglobo ng inflation at naging dahilan ng pag­bagsak ng trust at approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kaugnay sa pag­bagsak ng trust at approval rating ni Pa­ngulong Duterte batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Aminado si Roque na ito’y dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bili­hin, kasama ang bigas, kaya dapat managot si Aquino.

READ MORE:  People Power vs Duterte suntok sa buwan (Sa frigate deal)

“Itong Jayson Aqui­no, dahil sa tingin ko singlehandedly, siya ang nag-create ng ganitong problema sa bigas na naging contributory doon sa pagtaas ng inflation rate natin, e dapat ma­nagot ‘no,” ani Roque.

Mula sa 88 percent approval ng Pangulo ay bumaba ito sa 75 porsi­yento at bumagsak din ng 15 porsiyento ang trust ratings niya, mula sa dating 87 porsiyento ay pumalo na lamang ito sa 72 porsiyento.

READ MORE:  Secretary Harry Roque ‘nagtampo ba’ sa karinyo-brutal ni Pangulong Digong?

“Hindi naman siya sadsad, very good at saka pinakamataas pa rin sa buong gobyerno ang approval rating ni Pre­sidente. Bumaba nga lang, hindi natin maka­kaila iyan. At kami naman umaamin dahil iyan doon sa usaping malapit sa sikmura ng taong bayan, lalo na ang bigas,” dagdag ni Roque.

Nauna nang iniha­yag ni Roque, nakahan­da siyang tambakan ng kaso si Aquino para mabulok sa kulungan.

READ MORE:  Thanksgiving Party ni Digong itinakda na

Hindi lang aniya kasong technical mal­versation kundi graft and corruption ang isasampa niyang asunto kay Aquino dahil sa idinulot na pinsala sa publiko, maging sa gobyerno. Paliwanag ni Ro­que, hindi ginastos ni Aquino ang pondo ng NFA para bilhin ang mga palay mula sa lokal na magsasaka na magagamit sanang buf­fer stock kaya’t ang resulta ay nag-aangkat ng bigas ang Filipinas sa ibang bansa at nagba­bayad sa mga dayu­hang magsasaka.

 (ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved