Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carlo sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica — Hindi naman ako nagsasara ng pintuan
Carlo sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica — Hindi naman ako nagsasara ng pintuan

Carlo sa posibilidad na magkabalikan sila ni Angelica — Hindi naman ako nagsasara ng pintuan

MAY kuhang picture si Angelica Panganiban sa bahay niya na kasama ang ex niyang si Carlo Aquino, at ang mga magulang nito na sina Mommy Amy at Daddy Joe. Kongklusyon ng nakakita ng picture, siguro ay nagkabalikan na sina Carlo at Angelica, at kaya naroon si Carlo sa bahay ni Angel with his parents, ay dahil namanhikan na ito.

Pero ayon kay Carlo, hindi sila nagkabalikan ni Angel, kaya walang pamanhikan na naganap.

READ MORE:  Carlo, iniingatan ang friendship kay Angelica

Kasi pupunta ako sa airport, kukuhanin ko ‘yung pusa ko, si Sinta. Siya [Angelica] kasi ang nag-alaga ng ilang araw. Para hindi ko na ihatid sina Mommy sa bahay, ‘tapos bumalik ulit, dumaan na kami. Hindi pa rin kasi nakikita nila Mommy ang bahay ni Angge.  Ang tagal na niya roon, parang magkapitbahay lang kami, ilang minutes away, pero hindi pa rin niya nakikita,” paliwanag ni Carlo sa interview sa kanya ng Pep.ph.

Ayon pa sa award-winning actor, natuwa rin ang mga magulang niya sa pagbabalik ng closeness nila ni Angelica. Noong naging sila nito, noong mga bata pa sila ay close na ang pamilya nila.

READ MORE:  Carlo, nakakita ng snow at nakapunta ng Europe dahil sa Spring Films

Kasi noong time rin naman, may girlfriend din ako. Naiintindihan din naman nila ‘yun. 

“Pero ‘yun nga, never naman nawala ang communication. Every once in a while, nagti-text ako sa kanya. Kinakamusta ko siya. Ganoon din naman siya sa akin,” pagtukoy niya kay Angelica.

READ MORE:  Sophie at Vin, ‘di muna magkasama sa kani-kanilang project

Sa tanong na kung may posibilidad na magkabalikan sila ni Angel, ang sagot ni Carlo, “Hindi naman ako nagsasara ng pintuan, lalo na kung feelings. Ayokong pigilan ang feelings.”

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved