Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Coco levy fund ipinababalik ng Bicol farmers
Coco levy fund ipinababalik ng Bicol farmers

Coco levy fund ipinababalik ng Bicol farmers

LUMUSOB ang mga mag­­sasaka mula sa Bicolandia para sumanib sa pagkilos ng United People’s Action against Tyranny and Dictatorship sa Luneta sa ika-46 anibersaryo ng dekla­rasyon ng Martial Law ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Bago sumama sa kilos protesta, makiki­pagpu­long sila sa mga opisyal ng Philippine Coconut Authority (PCA) para himukin na ibalik ang P105 bilyong coco levy fund.

READ MORE:  Tao ang una sa tiket ni Malapitan sa Caloocan

Hindi anila sila puwe­deng ‘mag-move on’ mula sa Martial Law at iba pang kalupitan na ginawa ng mga Marcos.

Anila, ang coco levy fund kinuha ng mga Marcos sa mga ninuno nila noong Martial Law at hindi ito ibinalik sa kanila, ayon kay Jonathan Moico, kasapi ng Bicol Coconut Planters Association (BCPAI) at Kilusang Magbubukid ng Bicol.

READ MORE:  Seguridad sa SONA kasado na — PNP

Giit ni Antonio Flores, secretary general ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang coco levy fund ay pag-aari ng maliliit na magsasaka at dapat lamang ibalik sa kanila.

READ MORE:  Ex-CamSur Gov ipinaaaresto ng Sandiganbayan

Aniya, gawin itong “Genuine Small Coconut Farmers Fund” at panga­siwaan ng mga magsa­saka hindi ng fund managers.

(Gerry Baldo)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved