Monday , October 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano
Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

Maine, inimbitahan ni Coco sa Ang Probinsyano

KUNG si Coco Martin ang masusunod, gusto nitong magkaroon ng special appearance si Maine Mendoza sa FPJ’s Ang Probinsyano para sa promotion ng kanilang Metro Manila Film Festival entry, ang Jak Em Popoy: Puliscredible na kasama si Vic Sotto.

READ MORE:  Kapuso star Maine Mendoza, naging instant fan ni Carlo Aquino!

Dapat sa aspetong promotion ng pelikula ay magkakatulungan sila kahit magkakaiba sila ng network na pinaglilingkuran.

Sa parte ni Coco, walang magiging problema kung makakapasok siya sa GMA 7 para sa promotion ng pelikula. Nakaplano na nga itong mag-guest sa Eat Bulaga at masaya sa nababalitaang isang pamilya talaga ang taga-Eat Bulaga, nagdadamayan.

READ MORE:  Sweet at intimate photo nina Coco at Yassi, edited

“Sabi nga nila sa ‘Eat Bulaga,’ talagang pamilya, nakatutuwa. Kasi talagang wini-welcome nila ako. Ngayon naman, nakatutuwa dahil open na eh. Makikita na natin ang taga-GMA-7 na nagsu-shoot ng pelikula sa Star Cinema, gumagawa ng pelikula.

READ MORE:  Coco at Maine, bagay magtambal

“Ang gusto ko lang ay magkatulungan tayo sa industriya. Kung paano pa tayo makagagawa ng magaganda pang pelikula.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved