Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, balik-trabaho na agad
Kris, balik-trabaho na agad

Kris, balik-trabaho na agad

NAKABALIK na ng ‘Pinas si Kris Aquino noong Lunes pagkatapos ng mahigit tatlong linggong pagbabakasyon sa ibang bansa and as usual, back to work agad ang ina nina Joshua at Bimby.

Sa Instagram post ni Kris kahapon, ibinalita nitong naghahanda na siya para sa isang TVC shoot na ayaw muna niyang sabihin kung anong produkto iyon. Pero masaya siya at nagpapasalamat dahil hinintay siya ng tatlong linggo bago maisagawa ang TVC shoot.

READ MORE:  Kakaibang ginagawa ni Vic tuwing umaga, nabisto ni Pauleen

Aniya, “I’m not allowed to mention what i’m shooting today BUT i hope they realize how grateful i am they waited 3 weeks for me to be HEALTHY for me to be at my best. Their patience, support, and understanding is much appreciated! d’þ=ØšÜd’þ”

Sinabi pa ni Kris na inayos na rin niya ang kanyang kalendaryo para sa mga susunod pang trabaho. At binibigyan niya ang sarili ng 10 oras lamang na trabaho at off pagkatapos magtrabaho ng apat na araw.

READ MORE:  Bagong pag-ibig ni Zsa Zsa, suportado ng pamilya Quizon

“(we fixed my calendar so i’d have maximum 10 hour work days w/ a day off after every 4 days of work.)”

Hiniling lamang niya ang isang Sabado Sept. 22 at Biyernes, Sept. 28 para sa 15th anniversary concert ni Erik Santos at 40th anniversary concert ni Sharon Cuneta na gusto niyang suportahan.

Ani Kris, “BUT i specifically asked for Saturday, September 22, and Friday, September 28 to be blocked off. @alvingagui bought tickets for us to be able to watch @eriksantos 15th anniversary concert & @reallysharoncuneta’s 40th anniversary concert. Very proud to be able to support both of them!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa
Sylvia Sanchez, tinilian at pinagkaguluhan; dami ng proyekto ng mga anak, ikinatuwa
Arjo, natataranta sa sabay-sabay na offer
Arjo, natataranta sa sabay-sabay na offer
Mas magagaling ang mga anak
Mas magagaling ang mga anak
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved