Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Kauna-unahang Studio City sa bansa, binuksan na ng ABS-CBN
Kauna-unahang Studio City sa bansa, binuksan na ng ABS-CBN

Kauna-unahang Studio City sa bansa, binuksan na ng ABS-CBN

INILUNSAD na ng na­ngu­ngunang media at entertainment network sa Pilipinas ang ABS-CBN Studio Experience, ang kauna-unahang studio city sa bansa na nagbibigay pagkakataon sa mga bisita na maging bida, reality show contestant, stunt trainee, production crew, at iba pa sa loob ng bagong indoor theme park na matatagpuan sa Ayala Malls TriNoma.

ABS-CBN Studio Experience

Ang ABS CBN Themed Experiences na pinamumunuan ni Cookie Bartolome

Sa naganap na grand opening ceremonies noong Linggo (Setyembre 16) na pinangunahan ni Robi Domingo bilang host, ipinakita sa mga bisita ang Reality, Fantasy, at Retail Studios at ipinalabas ang natatanging 4D production sa bansa, ang ASAP 4D, sa loob ng Kapamilya Theater na isa lamang sa 15 attractions ng Studio XP.

READ MORE:  Feng Shui: Synthetic fibers iwasan sa children’s room
READ MORE:  Naglalakad sa baybayin sa dream

Pinangunahan nina ABS-CBN Corporation chairman Mark Lopez, Ayala Malls deputy head Mariana Zobel de Ayala, ABS-CBN Corp. chairman emeritus Eugenio Lopez III, at Ayala Land commercial business group head Junie Jalandoni ang pagbubukas ng Studio XP.

ABS-CBN Studio Experience The Voice

ABS-CBN Studio Experience The Voice

Bisitahin na ang bagong bukas na ABS-CBN Studio Experience sa 4F ng Ayala Malls TriNoma. Sundan ang ABS-CBN Studio Experience sa Facebook, Twitter, at Instagram (@abscbnstudioxp) at bisitahin ang studioexperience.abs-cbn.com upang alamin ang shift schedule at bumili ng tickets online.

Retail studio

 

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved