Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating na-link kay KC, love pa rin ang aktres
Dating na-link kay KC, love pa rin ang aktres

Dating na-link kay KC, love pa rin ang aktres

NAKANGITI at tumatawa ang isa sa na-link kay KC Concepcion nang tanungin siya ng kaibigan niya kung ano ang pakiramdam nito ngayong may boyfriend na ang dalaga.

“Hayun, tumatawa, nakangiti naman,” kaswal na sabi sa amin ng taong kaibigan ng lalaking na-link kay KC.

READ MORE:  KC at Aly, hiwalay na

Hindi namin babanggitin kung sino ang lalaking na-link sa dalaga ni Sharon, pero sigurado kami na hanggang ngayon ay may pagmamahal pa rin siya kay KC at nabanggit niya ito minsan sa kanyang kaibigan na kung mayroon siyang gustong balikan sa mga naging girlfriend niya ay walang iba kundi si Kristina Cassandra Cuneta Pangilinan (yes legally adopted si KC ni Senator Kiko).

READ MORE:  Michael at Morissette, dream come true na makasama si Arnel

Nagulat kami nang marinig namin ito sa taong nagkuwento sa amin dahil hindi namin expected na maski wala na sila ni KC ay sobra pa rin niyang mahal.

READ MORE:  Coco, walang keber magpakalbo, magampanan lang ang papel sa FPJ’s Ang Probinsiyano

Eh, sayang, sana noon pa niya binalikan, ang tagal na single kaya ni KC, eh, ngayon mukhang diretso na sa simbahan.  Sabi nga ng aktres, ”true love waits.”

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved