Sunday , December 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Tserman binoga sa ulo ng tandem
Tserman binoga sa ulo ng tandem

Tserman binoga sa ulo ng tandem

BUMULAGTANG wa­lang buhay ang isang barangay chairman nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang lulan ng kanyang motorsiklo ma­ka­raan dumalo sa isang anti-illegal drugs seminar, sa kanto ng P. Burgos Drive at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila kahapon.

Kinilala ni SPO 3 Jonathan Bautista ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Barangay Chairman Angel Joy Rivero, 52, ng Brgy. 330, Zone 33, namatay noon din dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo.

READ MORE:  Cops sa drug war maging maingat pero ‘wag matakot — Albayalde (Sa conviction ng tatlong pulis sa Kian’s slay)

Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong 1:50 ng hapon. Habang binabag­tas ng biktima ang na­bang­git na lugar nang dikitan ng mga suspek at barilin nang dalawang beses sa ulo.

READ MORE:  2 patay, 1 sugatan, 3 tiklo sa buy-bust

Ayon kay PO3 Fer­dinand Leyva, ng Manila Police District – Ermita Station (PS5), posibleng .45 kalibreng baril ang ginamit sa pagpaslang sa biktima.

READ MORE:  4 utas sa buy-bust (Sa Maynila)

Sinabi ni Barangay 330 Sangguniang Kaba­taan Chairman Vergel Francisco, kilala ang biktima bilang isang anti-illegal drugs advocate ngunit hindi niya alam kung may kaaway.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa kanyang trabaho bilang punong barangay, ang motibo sa pagpaslang sa biktima.

(BRIAN BILASANO)

COMMENTS

About Brian Bilasano

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved