Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte
Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

TINANGGAP ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino.

Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino.

“Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

READ MORE:  Israel tutulong sa kontra terorismo sa Ph

Pagod na umano si Aquino na mga akusas­yon at paninisi sa kanya na salarin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

“He says he is tired and he cannot cope up with the laro diyan sa… inside which is always an ordinary happening,” ani Duterte.

READ MORE:  Tanong ng isang ina kay Garin: Nakatutulog ka pa ba nang mahimbing?

Giit ng Pangulo, ang tanging paraan upang matigil ang pagtaas ng presyo ng bigas ay mag-angkat ng mas maraming bigas.

“The only way is to import more, mag-buffer ako,” aniya.

READ MORE:  75-taon kontrata ng Nayong Pilipino para sa casino tablado sa Pangulo

Naniniwala si Pangu­long Duterte na artipisyal ang rice shortage at manipulasyon lamang ito ng ilang “players.”

Tiniyak ng Pangulo na gagawin ng kanyang economic managers ang lahat ng paraan upang masolusyonan ang problema sa inflation.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved