Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Nagselos sa 3 pari: 87-anyos ama utas sa suicide, asawa, anak manugang niratrat muna

Nagselos sa 3 pari: 87-anyos ama utas sa suicide, asawa, anak manugang niratrat muna

PAWANG sugatan ang mag-ina at isa nilang kaanak makaraan pagbabarilin ng kanilang padre de familia na pagkaraan ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa Calumpit, Bulacan, kahapon.
Ayon sa ulat, kinilala ang suspek na si Ludovico de Guzman, 87-anyos, sinasabing bumaril sa kaniyang asawang si Adelaida de Guzman, anak na si Janette Gomez, at manugang na si Myrna Lubao.
Nangyari ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Garbuca sa Calumpit.
Dinala sa ospital at nakaligtas sa mga tama ng bala ang mga biktima.
Ngunit namatay ang suspek makaraan barilin umano ang sarili.
Ayon sa imbestigas-yon ng pulisya, posibleng labis na selos ang nagtulak sa suspek na gawin ang krimen dahil sa hinala na may karelasyong tatlong pari ang kaniyang misis na si Adelaida. Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
COMMENTS

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved