Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)
US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

US$12K tinapyas sa placement fee (Sa Pinoy caregivers sa Israel)

JERUSALEM – Mabu­bunutan ng tinik ang mga Filipino caregiver na nais magtrabaho sa Israel matapos lagdaan kamakalawa ang kasun­duan para mabawasan ng US$12,000 ang bina­bayarang placement fee.

Lubos ang naging pasa­salamat ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kay Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanilang makataong pagtrato sa halos 28,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya tuloy maiwasang ikompara ang kabaitan ng mga taga-Israel sa pagma­maltrato sa ibang OFWs sa ibang bansang hindi na niya binanggit ang panga­lan.

READ MORE:  P1-m halaga ng cash, alahas, natangay ng acetylene gang

“And thank you for hosting almost 28,000 Filipinos. They have been very happy working here, taking care of the aging population of yours, citizens. And I have heard that they have been trea­ted as human beings. Un­like in other places of which I am not at liberty to mention now. But the way that they have been received here, was shown last night by their jubi­lation,” ani Pangulong Duterte.

READ MORE:  Sugatang sundalo binisita ni Digong sa Halloween

Pinasalamatan din ni Pangulong Duterte si Netanyahu sa napaka­laking tulong ng Israel para mabawi ng gobyerno ang Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.

“Thank you and may we continue to be blessed with a strong relationship. I do not think that there will ever be a time when there is an irritation even between our two coun­tries. We share the same passion for peace. We share the same passion for human beings but we also share the same passion of not allowing our country to be des­troyed by those who have the corrupt ideology who nothing but to kill and destroy,” ani Pangulong Duterte.

READ MORE:  Mag-anak todas sa sumalpok na trak

(ROSE NOVENARIO)


OFWs sa Libya mag-ingat at maghanda — DFA
OFWs sa Libya mag-ingat at maghanda — DFA
COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved