Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / RS, mas magiging palaban at daring sa M Butterfly
RS, mas magiging palaban at daring sa M Butterfly

RS, mas magiging palaban at daring sa M Butterfly

ANG production na ng M Butterfly ang nagbigay ng R-18 sa kanilang Tony award-winning stage play, M. Butterfly na pinagbibidahan ni RS Francisco. Kaya hindi puwedeng manood ang mga kabataang under 18 years old.

Ayon kay RS, ang buong production na ang nagbigay ng R-18 sa stage play dahil bukod sa maseselang eksena na nakatakdang gawin ng award-winning actor bilang Chinese opera singer na si Song Liling at ng katambal niyang French actor na si Olivier Borten (gaganap bilang Rene Gallimard), may iba pang karakter na maghuhubad sa kabuuan ng palabas na ididirehe ni Kanakan-Balintagos.

READ MORE:  RS Francisco super husay na stage actor

Mapapanood ito simula September 13 hanggang Sept. 30 sa Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Ang M. Butterfly ay mula sa produksiyo ng Frontrow ni RS kasama ang Tony-winning theater producer na si Jhett Tolentino.

Ang kikitain ng play ay mapupunta lahat sa mga napili nilang beneficiaries, kabilang na ang Dulaang UP.

“Dulaang UP has given me so much, and has opened so many doors for me. It changed the course of my life. This is the time na I want to give back everything with all my power, all my love, and all my heart,” paliwanag ni RS.

READ MORE:  RS, balik-entablado

Sinabi pa ni RS na mas magiging palaban at daring siya ngayon sa muling pagpapalabas ng M Butterfly at sa pagganap bilang Song Liling, kompara noong una niya itong ginampanan.

“At the time, I was 18. I didn’t have much life experience, so I had to really dig up and try to think I’m 40, I’ve gone through so much.

“But now, that I’m a little bit older, with all that I’ve gone through, all the hardships, all the heartbreaks — I can put them into the character of Song Liling. I can layer Song Liling even more.”

Kasama rin sa M. Butterfly sina Norm Mc Leod bilang Toulon, Lee O’Brian bilang Marc, Rebecca Chuaunsu bilang Comrade Chin, Pinky Amador bilang Helga, at Maya Encila bilang Renee.

READ MORE:  Michael, nakakasama na ang anak

Para sa ticket, tumawag sa Ticketworld, 891-9999 o kay Isha Germentil, 0917-6233834.


SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  


Beauty queen Hiro Nishiuchi, kinakarir ang pagta-Tagalog
Beauty queen Hiro Nishiuchi, kinakarir ang pagta-Tagalog
COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved