Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, isinusumpa ng kinakasama ng kanyang kuya
Aktres, isinusumpa ng kinakasama ng kanyang kuya

Aktres, isinusumpa ng kinakasama ng kanyang kuya

WALANG kamalay-malay ang isang aktres na lihim pala siyang isinusumpa ng kinakasama ng kanyang kuya.

Lumalabas kasing hipag na hilaw ito ng aktres, pero ang loyalty niya ay nasa unang nakarelasyon ng kanyang nakatatandang kapatid.

READ MORE:  Juday at Piolo movie, imposible na nga ba?

Hirit ng aming source, ”Naku, kung alam lang ng aktres na kinamumuhian siya ng kanyang Sister-in-law kuno! Imagine, pati ba naman mga kaibigang showbiz reporter ng aktres, eh, imbiyerna rin ang hitad?”

Pero sadyang kumikilos ang karma. Kahit kasi ang kasalukuyang karelasyon ng kuya ng aktres ay nagbunga ng mga dyunakis, may ibang babae ang itinitibok ng puso ng syupatembang niya.

READ MORE:  MMK ni Lyca, pinakapinanood na weekend program sa buong bansa
READ MORE:  Coco at Kim, kinilala ang galing sa 4th Eduk Circle Awards!

“Huwag siya feeling nanalo kung contest na matatawag ‘to, ‘no! Dahil kahit siya pa ang kinakasama ng kuya niya, eh, mayroon itong ibang labs!” pahabol na tsika ng aming source.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved