Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Nasaan ang terminal managers?!: MIAA GM Ed Monreal matapang na humarap sa senate hearing
 Nasaan ang terminal managers?!: MIAA GM Ed Monreal matapang na humarap sa senate hearing

Nasaan ang terminal managers?!: MIAA GM Ed Monreal matapang na humarap sa senate hearing

WALA tayong masasabi sa pagiging general manager ng Manila Internationa Airport Autho­rity (MIAA) ni GM Ed Monreal.

Lalo itong napatunayan nitong nakaraang mabalaho ang Xiamen Airline sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Hindi umalis si GM Monreal hangga’t hindi naiaahon ang nasabing eroplano.

Kasama niya rito ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ganoon din sa pagharap sa Senate hearing.

READ MORE:  Ang ‘CAAP-logan’ sa Kalibo Airport (Attention: CAAP DG Jim Sydiongco)

Pero ang ipinagtataka natin, nasaan ang terminal managers?!

Ano ang naitulong nila sa insidenteng kinaharap ng NAIA?!

Supposedly, sila ang humaharap at nagko-coordinate sa iba’t ibang airlines at kung paano tutulungan ang mga pasahero sa kanilang mga panga­ngailangan.

Ang siste, basanta, este basta na lang nawala ang terminal managers…

At hanggang sa pagharap sa Senado, si GM Monreal pa rin ang kanilang ipinagisa?!

READ MORE:  Bureau of Immigration ISO-certified na!

Pero hindi sila nagtagumpay.

Anyway, mukhang wake-up call na rin ito para kay GM Monreal.

Mukhang kailangan na niyang ‘sipain’ ang mga overstaying na terminal managers na kung hindi nagpapalaki ng ‘yagbols’ ay ‘nagpa­pala­pad’ ng balakang.

Mantakin ninyo, pagkatapos ng nasabing insidente, nakukuha pang ngumiti-ngiti at mag-display-display sa airport?!

GM Monreal, panahon na para palitan ng mga bata, innovative at hindi pakaang-kaang na managers ang mga terminal manager sa NAIA.

READ MORE:  Medical mission & relief distribution ng MIAA sa Bicol malaking tulong

Subukan na po ninyong umpisahan…


Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com


BULABUGIN
ni Jerry Yap


Sa krisis sa labor contractualization: PLDT subscribers hostage ni MVP
Sa krisis sa labor contractualization: PLDT subscribers hostage ni MVP
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved