Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sanggol, 4 kapatid patay sa Tondo fire

Sanggol, 4 kapatid patay sa Tondo fire

PATAY ang sanggol at apat na paslit,  pawang magkakapatid, habang isa ang sugatan makaraang masunog ang kanilang bahay dahil sa paglalaro ng lighter ng isa sa mga biktima sa Ton­do, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon kay Manila Fire Department Arson Divi­sion Fire C/Insp. Redentor Alumno, namatay ang magkakapatid na Geme­niano na sina John Mike Twister, 12; Baby Michael, 7; Marcelo, 5; Miel Mi­chael, 4, at Michaela, 18-buwang  gulang.

Pawang dumanas ng 3rd degree burns sa kani­lang mukha at katawan at namatay sa supokasyon ang magkakapatid.

Sugatan ang isa ni­lang kapatid na si John Michael, 9-anyos, na tu­malon mula sa bintana ng kanilang bahay.

READ MORE:  INC indie film panalo sa Madrid Filmfest

Base sa ulat, dakong 9:17 am nang sumiklab ang sunog sa bahay ng mga biktima, na nasa ikatlong palapag ng isang 3-storey apartment type sa 1869 Laperal Street, kanto ng Herbosa Street sa Tondo.

Ikinuwento mismo ng batang nakaligtas sa su­nog na nagsimula ang apoy sa paglalaro ng lighter ng isa sa mga ka­patid niyang namatay sa insidente.

Inaya umano ni John Michael ang mga kapatid na tumalon sa bintana ngunit hindi sumunod sa kanya.

Sinasabing kamaka­lawa ay muntik na rin umanong masunog ang bahay sa hindi pa batid na dahilan, na kinom­pirma ng mga awtoridad.

READ MORE:  Bus itatalaga ng LTFRB (Sa Oplan Tanggal Bulok Tanggal Usok)

Napag-alaman mula kay Manila Fire Marshall, Fire S/Supt. Jonas Sil­vano, nabatid ng mga bombero na naka-padlock ang pinto ng bahay ng mga biktima kaya hindi sila nakalabas at nakulong habang ito ay nasusunog.

Nang mangyari ang insidente ay wala ang mga magulang ng mga biktima dahil ang ina ay nagtitinda habang nama­ma­sada ng pedicab ang kanilang ama.

Dahil gawa sa light materials ang bahay ay mabilis itong natupok ng apoy at umabot sa ika­apat na alarma ang sunog bago inihudyat na under control dakong 12:00 ng tanghali.

READ MORE:  Kagawad, anak sugatan sa tandem

Idineklarang fire-out ang sunog dakong 1:33 ng hapon.

Hindi pa batid ng mga awtoridad kung gaano karaming bahay ang na­tu­pok sa sunog at kung ilang pamilya ang naa­pektohan nito.

Nahirapan aniya ang mga bombero na apulain agad ang apoy dahil dikit-dikit ang mga bahay sa lugar, na pawang may kalumaan na.

Masisikip din ang mga eskinita kaya’t nahi­rapang maglabas-pasok ang mga pamatay-sunog.

Tinatayang P120,000 ang halaga ng napin­salang mga ari-arian sa nasabing sunog.

nina BRIAN BILASANO at BONG SON

COMMENTS

About nina BRIAN BILASANO at BONG SON

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved