Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Clarkson mas babangis vs Korea
Clarkson mas babangis vs Korea

Clarkson mas babangis vs Korea

MAANGAS ang ipinakitang tikas ni Fil-American Jordan Clarkson sa laban ng Philippine Team versus China noong Martes.

Kumana si NBA Cleve­land Cavaliers guard Clarkson ng game-high 28 points para sa team Pilipi­nas na kahit natalo ay pinahirapan nila ng todo ang powerhouse China, 80-82.

Dahil nanalo sa unang laro sa Group D elimina­tion round kontra Kazakhs­tan ay swak sa quarter­finals ang Philippine Team.

READ MORE:  Clarkson ibabandera ng Team Philippines

Muling mapapalaban ang mga Pinoy cagers dahil katapat nila sa knock­out quarters ang kon­trapelong Korea nga­yong araw sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indo­nesia.

Inaasahang mas baba­ngis si Clarkson dahil hindi kasingtangkad ng Korea ang China na may mga seven footer.

READ MORE:  Show ni Dingdong, malaking tulong sa mga estudyante

“I think the next game we’ll see him play better,” panigurado pa ng ama ni Clarkson na si Mike na nasa Jakarta rin.

Ilang araw din na nagsanay si Clarkson sa sistema ni head coach Yeng Guiao at bahagyang kom­portable na ang Pinoy star.

READ MORE:  Slaughter tiwalang maaaprobahan ng FIBA (Dokumentong kailangan naipasa na)

“I know Jordan can score at will, anytime, kung gugustuhin niya,” wika ni Guiao. “Pero that’s a really hard way of trying to win the game. He must involve his teammates, he must get some help from the others, and we have already incorporated that into the game plan.” (ARABELA PRINCESS DAWA)

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved