Tuesday , September 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bela at JC, nagpipilit sumaya
Bela at JC, nagpipilit sumaya

Bela at JC, nagpipilit sumaya

MAY mensahe bang may saysay ang A Day After Valentine’s?

Oo. Mayroon.

Ang mensahe ng pelikula: Nagiging lubos lang ang kaligayahan ng tao ‘pag nagpatawad na siya at nag-move on mula sa nakaraan nang wala nang muhi sa mga nagkasala sa kanya.

Isa sa dalawang pangunahing tauhan ay nagpipilit lang na magmukhang masaya at mabait sa kapwa tao. Pero sa totoo lang, kinamumuhian n’ya ang pamilya n’ya.

READ MORE:  Premiere night ng Meet Me In St. Gallen dinagsa ng mga celebrity

Kapag ipinalabas uli ang A Day After Valentine’s, na isang entry sa katatapos lang na Pista ng Pelikulang Pilipino, sa maliliit na sinehan, panoorin n’yo para madiskubre n’yo kung sino kina Bela Padilla at JC Santos ang gumaganap sa karakter na matagal nang muhi sa pamilya n’ya.

READ MORE:  Music, naunang minahal ni JC

Sa bandang dulo n’yo na lang madidiskubre kung sino sa kanilang dalawa ang puno ng muhi ang katawan kaya wala siyang kaligayahang nadarama kahit anumang kabutihan ang dumarating sa buhay n’ya.

READ MORE:  JC, umaasang magkaka-ayos pa rin sila ni Teetin

Proyekto ng Viva Films ang A Day After Valentine’s, sa direksiyon at panulat ni Jason Paul Laxamana.

(DANNY VIBAS)


Pagpapaalis kay Kim sa upuan, ‘di big deal
Pagpapaalis kay Kim sa upuan, ‘di big deal
COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved