Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gina, kabado sa pagdidirehe kay Nora
Gina, kabado sa pagdidirehe kay Nora

Gina, kabado sa pagdidirehe kay Nora

UNANG beses na naging direktor si Gina Alajar ni Nora Aunor at ito ay sa Onanay ng GMA.

Ano ang unang pumasok sa isip ni Gina at ano ang naramdaman niya noong una niyang malaman na ididirehe niya ang Superstar sa Onanay na gaganap bilang si Nelia?

“Siyempre ‘di ba, ‘Whoa! Whoa! Talaga ba?!’,” at tumawa si Gina.

Hindi ba siya agad naniwala na “mahahawakan” niya ang Superstar sa isang TV project?

READ MORE:  Singer-Actress na may sariling title kerida ng bilyonaryong ex-politician

“Well, hindi mo alam kung maniniwala ka o hindi, kung totoo o ano, kung matutuloy or hindi.

“Kasi noong sinabi sa akin ‘yun, ano eh, under negotiations pa kay Guy.

“So may araw na oo, may araw na  hindi, ‘yung ganoon.

“May araw na backout, may ganoon.

“So… but we were, kami ni Miss Helen (Rose Sese, GMA’s Senior Program Manager), we were praying na sana tanggapin niya.

“Kasi you know she will be really very, very good for the project.

“’Yung ganoon.”

At nang sa wakas nga ay natuloy na ang Superstar sa Onanay”O eh siyempre kinakabahan ako ‘di ba,” at tumawa si Gina. “Dahil you don’t direct her, you don’t direct a Nora Aunor.

“So siyempre binabantayan ko ‘yung sarili ko, baka mamaya madulas ako, hindi ba,” at tumawa si Gina.

READ MORE:  Cardo nakapuntos kay Alakdan sa kanilang pagtutuos sa “FPJ’s Ang Probinsyano”
READ MORE:  Taping ni Nora Aunor, ‘di puwedeng magdamagan

“Baka mamaya biglang nakakalimot ako sa sarili ko sabihin ko sa kanya, ‘Guy, dito ka, ha?’

“Yung ganyan, ‘Ganito ang gawin mo, ha?’

“So siyempre very ano ako, very careful, very careful ako na you know, na ‘yung pagkausap ko sa kanya will not sound as if I’m giving her directions, you know.

“Because I know, she knows what to do.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved