Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bumoto para patalsikin si Sereno: 7 mahistrado ng SC sinampahan ng impeachment
Bumoto para patalsikin si Sereno: 7 mahistrado ng SC sinampahan ng impeachment

Bumoto para patalsikin si Sereno: 7 mahistrado ng SC sinampahan ng impeachment

SINAMPAHAN ng op­position congressmen ng impeachment com­plaints ang pito sa walong mahis­trado ng Korte Suprema na bumoto para mapa­talsik sa puwesto si da­ting Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inireklamo ng cul­pable violation ng Consti­tution at betrayal of pub­lic trust sina Justices Teresita de Castro, Dios­dado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.

READ MORE:  PNU prexy, 3 opisyal sinibak ng Ombudsman (Sa US$25,000 magazine ad contract)

Hindi isinama sa rek­lamo si Ombudsman Samuel Martires dahil hindi na siya nakaupong associate justice ng SC.

Ayon sa mga mamba­batas, nilabag umano ng mga naturang mahis­trado ang Konstitusyon nang alisin nila sa pu­westo si Sereno sa pama­magitan ng quo warranto, kahit alam nila na tanging sa impeachment procee­ding lamang dapat alisin sa puwesto ang punong mahistrado.

READ MORE:  ‘Mole’ ni Trillanes sa Ombudsman suspendido

Inakusahan din sina De Castro, Peralta, Ber­samin, Tijam at Jardeleza ng betrayal of public trust dahil sa tumanggi silang mag-inhibit sa petisyon ng quo warranto, sa kabila ng kanilang uma­nong hinanakit at hindi pagiging patas kay Sere­no.

READ MORE:  Kamara binusisi ang pagdagsa ng “GIs” sa bansa

Kabilang sa mga naghain ng reklamo laban sa mga mahistrado sina Albay Rep. Edcel Lag­man, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin. (HNT)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved