Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cesar, susunod na isasalang sa Blue Ribbon Committee
Cesar, susunod na isasalang sa Blue Ribbon Committee

Cesar, susunod na isasalang sa Blue Ribbon Committee

POOR Cesar Montano. Sa pagdinig ng umano’y maanomalyang transaksiyon ng DOT at mga Tulfo ay nakatakda imbestigahan si Cesar.

Ang action star ay ang nagbitiw bilang pinuno ng Tourism Promotions Board sa ilalim ng DOT na si Wanda Tulfo-Teo ang dating Kalihim. Rekomendado siya ni Ka Freddie Aguilar.

Sabit naman si Cesar sa Buhay Kariderya project to the tune of millions of pesos din na never namang nagsimula.

READ MORE:  Ika-6 na Utos ng GMA, nakasasawa na

Ang humalili kay Wanda na si Bernadette Romulo-Puyat ang siyang kumuwestiyon sa nasabing proyekto. Itinuro naman ni Cesar si Wanda na boss niya.

For the record, hindi sinipa si Cesar kundi kusang nagbitiw. Sinadya niya umano si PDu30 sa Malacanang, sinabihang boluntaryong mag-resign.

Balitang “sinabon” (nakatikim ng mura?) ng Pangulo si Cesar na mangiyak-ngiyak daw na humarap sa isang galit na Pangulo.

READ MORE:  Karla, sobra-sobra ang pasasalamat sa rami ng blessings

It’s interesting to note na sala-salabat ang konek ni Cesar sa isa sa mga Tulfo brothers na si Erwin. Ang isang anak ni Buboy (palayaw ni Cesar) at anak ni Erwin ay magkabarkada.

By some twist of fate, ‘ika nga, ang mga tatay naman ay lulan ng iisang “bangka.”

READ MORE:  Iza, ibinuyangyang ang katawan, pinasasaan pa ng tomboy

Habang sinusulat namin ito’y hindi pa naisasalang si Cesar sa bubusisiing Senate probe sa ilalim ng Blue Ribbon committee.

Pero harinawa’y huwag daanin ni Cesar sa puro emote ang kanyang depensa dahil lang sa katotohanang isa siyang mahusay na aktor.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved