Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Traffic enforcer, naputulan ng paa sa banggaan ng bus at AUV
Traffic enforcer, naputulan ng paa sa banggaan ng bus at AUV

Traffic enforcer, naputulan ng paa sa banggaan ng bus at AUV

MINALAS na naputulan ng paa ang isang traffic enforcer nang madamay sa salpukan ng pampa­saherong bus at ng AUV sa Quezon City, kahapon.

Kinilala ang bikti­mang si Emmanuel Aba­che, traffic enforcer ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng lungsod.

Ayon kay Dexter Cardenas, hepe ng Traffic Operations Division, galing ang bus sa Farmers Tuazon habang mula sa Sta. Mesa ang AUV nang mabangga ng bus ang pribadong sasakyan kaya ito pumihit at sinalpok si Abache.

READ MORE:  Viral na tigas ng ulo ng ilang motorista huwag gayahin

“Nabangga ng bus ‘yung Innova. ‘Yung Innova tumama din kay traffic enforcer Abache na naputol ‘yung kaniyang paa instantly,” ayon kay Cardenas.

Aniya, naipit ng leftside portion ng Innova ang paa ng traffic enfor­cer.

Sa ngayon, under observation ang biktima sa Quezon City General Hospital habang sinu­subukan ng mga doktor na isalba ang kaniyang paa. Nakatakda siyang isailalim sa MRI.

READ MORE:  Ex ni Erich na si Daniel deadma sa nasaging motorsiklo

Samantala, nagpa­alala ang mga awtoridad na sumunod sa mga alagad ng batas at sundin ang mga batas-trapiko upang maiwasan ang ganitong insidente.

“Sana respetohin po natin ‘yung ating mga traffic enforcer, give courtesy to ating mga kapwa driver. Always follow traffic rules and regulations,” sabi ni Cardenas.

READ MORE:  Driver-only ban sa EDSA igitil

Handang tumulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ukol sa imbes­tigasyon ng insidente.

“Ang tanging maga­gawa natin dito siguro mama-maximize natin ‘yung kuha sa MMDA metrobase. ‘Yun lang ho ‘yung kaya nating ibigay,” sabi ni MMDA spokes­person Celine Pialago.

Sumuko ang driver ng bus habang hinahanap ang driver ng AUV.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved