Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista
Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista

Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista

READ: Phil team, pinakamaliit na delegation sa ASIAD

“AKO kasi main stream ako eh. Iniisip ko kung ano ba ang gusto ng pamilya. Iyon ang ginagawa kong pelikula,”ganyan tumakbo ang statement ni Olivia Lamasan, isa sa ating mga kinikilalang mahusay na director ng pelikula sa kasalukuyan at isang box office director.

Walang makapagsasabing hindi magaganda ang pelikula ni Lamasan. Pelikula ni Lamasan ang gumawa ng grand slam best actress kay Sharon Cuneta. Pelikula rin niya ang nagbigay ng maraming awards kay Vilma Santos, kabilang na ang best actress award sa kauna-unahan at hindi na yata nasundang MTRCB awards. Nanalo rin sa pelikulang iyon sina Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Pelikula rin niya ang sabay na nagpanalo kina Aga Muhlach at Angel Locsin. Pero pelikula rin ni Olive ang gumawang best actor kay Daniel Padilla. At lahat ng kanyang mga pelikula ay kumita.

READ MORE:  Sexbomb Girls, buwag na?!
READ MORE:  Kauna-unahang Mr. & Mrs. BPO search, inilunsad

Ganoon dapat ang mentalidad ng isang director. Hindi puro kayabangan na ang akala sa sarili nila ay napakagagaling na nila, at sila lang ang artistic. Bagsak naman ang lahat ng kanilang ginagawang pelikula. Dapat kasi iniisip din ng director, magugustuhan ba ng mga tao ang ginagawa niyang pelikula? Kung hindi, aba eh hindi sila nakatutulong sa pag-asenso ng industriya. Kung maya’t maya ay nagmamakaawa sila sa audience na panoorin naman ang mga pelikula nilang inaalisan na ng sinehan, aba eh kailangang magising na sila. Maaaring gumawa ng magandang pelikula na kikita pa, at mananalo pa ng awards maging ang mga artista.

READ MORE:  Direk Paul, kinikilig kina Aga at Bea

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved