Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angelika, Mommy Klenk at movie scribe tama na isisi Kay PNoy ang matinding pagbaha sa Metro Manila
Angelika, Mommy Klenk at movie scribe tama na isisi Kay PNoy ang matinding pagbaha sa Metro Manila

Angelika, Mommy Klenk at movie scribe tama na isisi Kay PNoy ang matinding pagbaha sa Metro Manila

 

ABA’Y hindi naman pala fake news ang reklamo kay PNoy ni Kapitana Angelika dela Cruz ng Longos, Malabon sa nagkalat na basura at dumi ng tao sanhi ng matitinding pagbaha sa lugar gayondin ang movie scribe na si Jimi Escala na konsehal ng Tondo at Mommy Klenk (mother nina Ara Mina at Christine Reyes) na nahirapan sa pagbebenta ng kanilang property sa Marikina.

Dahil sa matinding baha, maraming lugar ang lumubog sa Metro Manila at hindi ito pinalampas ng batikang kolumnista ng isang kilalang pahaya­gan ng dating adiministrasyon at pagmaniobra umano ng dating Pangulong NoyNoy Aquino sa plantsadong proyekto na sana’y ilulunsad na lamang handog ng administrasyong Arroyo.

READ MORE:  Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P18.7 bilyones at tinawag na ‘Laguna Lake Rehabilitation Project’ na ang pangunahing layunin nito ay sumalo sa umaapaw na tubig na nagreresulta ng matinding baha sa Kamaynilaan.

READ MORE:  2018 DFA budget sinasabotahe nga ba ni Senator Hontiveros?

Kapag sana’y mailunsad, lilinisin ng naata­sang ahensiya ang naturang lawa na kilala bilang pinakamalaki sa bansa, kabilang ang Napindan Channel sa Taytay na magsisilbing lagusan ng tubig mula sa Metro Manila.

Ayon sa nasabing hardhitting columnist, hindi sana malaking pera ang kakailanganin sa nasabing proyekto sapagkat sasagutin na sana ng bansang Belgium ang katumbas na P7 bilyones na gastusin bilang regalo nito sa Filipinas.

READ MORE:  Bossing Vic, posibleng isama si Yaya Dub sa MMFF movie

Ang tanyag na kompanyang Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ) na pagmamay-ari ng isang Belgian firm ang sana’y gagawa sa paglilinis ng Lagunda de Bay at ng Napindan Channel. Inabot umano ng tatlong taon ang pag-aaral ng FIlipinas at Belgium, sa ilalim ng maayos na kasunduan para sa naturang proyekto na nakatakda sanang simulan noong Setyembre 2010 at posibleng matapos agad sa taong 2012.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved