Friday , April 26 2024

KathNiel, pinakamatibay na loveteam

READ: Pasabog ng PPP, inalat

HABANG kalakasan ng ulan at tumataas ang baha, naubos naman ang oras namin sa pakikipag-chat sa isang chat room. Napag-usapan sa chat ang mga love team, at lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing mukha ngang ang matibay na lang na love team ay iyong KathNiel.

Bagama’t bumaba ang kanilang popularidad noon dahil sa ginawa nilang pagkakampanya sa politika, naiwan ang kanilang career. Hindi sila napapanood dahil halos isang taon silang nagkampanya para sa isang kandidatong natalo naman. Ngayon ay nakabawi na sila.

Nakabawi nang husto iyan doon sa pelikula nilang Barcelona, na  naging best actor pa si Daniel Padilla nang dalawang ulit, kahit na nga sinasabing hindi iyon sa mga prestigious award giving body. Pero ok na rin naman iyon. At least hindi naman natsismis na binili niya ang award, o namigay siya ng mga trip abroad.

Iyong ibang mga love team kasi nawala na eh. Malamig na lahat. Isang hibla na lang wala na iyong AlDub. Pinaghihiwalay na rin iyong JaDine. Nakagugulat pero tinapos ng ganoon na lang ang serye niyong LizQuen, samantalang iyong Dolce Amore noon bago natapos ang tagal, at nang matapos inis ang mga tao dahil gusto pa nila.

Ang isa pang nabanggit na sayang ay iyong JoshLia, na inaasahan nilang next generation love team sana dahil malakas ang dating eh. Kaso nasamahan ng malas, ayun bumagsak din ang pelikula na kumita lang daw ng P68-M sa kabuuang run. Nakagugulat dahil sanay kang mabasa sa kanila iyong gross na P100-M in 4 days, tapos iyan ganyan lang kahit na binibili na ang mga screening wala ng manood.

Ganyan lang talaga ang buhay eh. Pero ang paniwala namin, iyang JoshLia na iyan ay maaari pa namang isalba, kung magagawan nga lang nila ng tamang damage control. Dapat lang naman dahil kung iisipin mo, iyan ang inaasahan nila pagdating ng araw, unless may makuha na naman silang iba.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Ma Dong-seok Chavit Singson

Ma Dong-seok ng Train to Busan dadalhin ni Chavit sa ‘Pinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na maraming Pinoy ang mae-excite dahil bibisita sa Pilipinas …

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *