Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Mahabang suwerte ni Suarez
Mahabang suwerte ni Suarez

Mahabang suwerte ni Suarez

HINDI lang si dating PGMA, ngayon ay House Speaker GMA, ang mahaba ang suwerte, nadadamay din sa ‘magandang’ kapalaran ang kanyang long-time puppy ‘este ally na si Quezon Rep. Danilo Suarez.

Mantakin n’yo, naging House Minority Leader pa?!

Kahit bumoto siya para kay SGMA e naging minority leader pa siya?!

Buenas to the max!

‘Yan ay sa gitna ng mga batikos at protesta, siya pa rin ang nahirang na minority leader.

Sa pamamagitan ng botohan ng mayorya sa plenaryo sa pamamagitan ng “ayes and nays” kung sino ang minority leader pagkatapos ng ilang araw ng matinding debate kung karapat-dapat ba si Suarez na maging minority leader sa kabila ng pagsuporta sa kudeta ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo laban kay Rep. Pantaleon Alvarez ng Davao.

Kahit alinsunod sa patakaran sa Kamara, ang lahat ng bumoto sa nanalong speaker ay magiging parte ng mayorya.

Pero sabi nga ni House Majority Leader Rolando Andaya, “I would like to finally resolve the minority leadership issue… and recognize Rep. Suarez as the minority leader.”

Kaya ang tawag ngayon kay Suarez ay hilaw na minorya.

Isa si Suarez sa 184 mambabatas na bumoto kay Arroyo.

Paano nga naman gagampanan ni Suarez ang liderato ng minorya bilang ‘fiscalizer’ kung kaalyado siya ng mayorya?

Sa isang banda, gusto nating bigyan ng katuwiran si SGMA, sa tindi ng gitgitan ngayon sa posisyon sa loob mismo ng Duterte adminis­tration, mas pipiliin nga naman niya ang isang minority leader na puwede niyang utusan kaysa minority group na puwede siyang pagplanohan.

Gets n’yo?!

ANG BIBLE
NI PACMAN

HINDI lang mambabatas si Senator Emmanuel Pacquaio, ang 8-division boxing champ, alalahanin na isa rin siyang pastor matapos magliwaliw sa iba’t ibang klase ng bisyo.

Isa na rin siyang apisyonado at basketball team owner at higit sa lahat negosyante.

Kaya nauunawaan natin ang kanyang posisyon sa death penalty — ipataw ang nasabing parusa para sa heinous crime.

Okey na ‘yun. Period.

Pero ang hindi nakaigi e ‘yung banggitin pa niyang iyon daw ang sinasabi ng Diyos sa Biblia.

Mismong ang Santo Papa ng simbahang Kotolika, isa sa kinikilala at inirerespetong lider-simbahan sa buong mundo, ay hindi pabor sa death penalty.

Tapos ngayon iginigiit ni Pacman na iyon daw ang sabi ng Diyos?!

Por dios por santo! Ang kulit niya ‘di ba?

Maliban kung mayroong sariling bersiyon ng biblia mayroon si Pacman?!

O kaya naman, banggitin na lang ni Senator Manny kung anong bersikulo at kabanata sa biblia ang pinagbabatayan ng kanyang sinabi.

Baka naman maniwala tayo at sabihin na tayo lang ang hindi nakaaalam niyan.

Pero sa isang banda, mas gusto nating sabihin, sino pa kaya ang gustong lumaban kay boxing champ Manny Pacquiao?

Please lang po hamunin n’yo na…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved