Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P30-B pondo kailangan sa nat’l ID

P30-B pondo kailangan sa nat’l ID

READ: Privacy tiyak na protektado

TATLUMPUNG bilyong piso ang pondong kailangan para sa kabuuang pagpapatupad ng  national ID system sa susunod na tatlo hanggang limang taon, ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA).

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Under­secretary Lisa Grace Ber­sales ng National Statis­tician and Civil Registrar Office na ngayong 2018, dalawang bilyon na ang nakalaan para sa Philip­pine Identification System o PhilSys na nakapaloob sa General Appropria­tions Act o GAA.

READ MORE:  Listahan ng parokyano ni Krista Miller hawak na ng PNP

Ipinaliwanag ni Ber­sales na sa pagkasilang pa lamang sa isang sang­gol at naipasa na ng local civil registry ang certifi­cate of live birth sa PSA, agad siyang bibigyan ng citizens number.

Ilalagay rin sa Phil ID card ng bata ang Phil ID card number ng nanay niya o guardian.

READ MORE:  Helper patay sa saksak ng tomboy

Unang pagkakataong kukuhaan ng biometrics ay kapag nasa limang taong gulang na, sa pag­sisimula ng pagpasok sa kindergarten.

Ayon kay Bersales, ang citizens ID card num­ber ng bata ay magsisilbi na niyang student ID hanggang pagsapit ng kolehiyo.

Uulitin na lamang ang biometrics capture pagsa­pit niya ng edad na kinse o disiotso depende sa ma­pagkakasunduang ilagay sa Implementing Rules and Regulation (IRR).

READ MORE:  Tunnel sa Quezon gumuho 1 patay, 5 nawawala

Samantala, isang milyong unconditional cash transfer o UCT bene­ficiaries ang unang ma­bibigyan ng Philipine ID pa­ra sa pilot issuance nito.

Ayon kay  Bersales, bago matapos ang taong ito ay inaasahang maibi­bi­gay na nila sa UCT be­neficiaries ang Phil ID.

ni ROSE NOVENARIO

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved