Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano
Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano

Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano

READ: Dahilan ng pagkalugi ng mga pelikula, isiniwalat ni Diño
READ: The Day After Valentine’s, Graded A ng CEB

BIG fan pala ni Coco Martin at ng FPJ’s Ang Probinsyano itong si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque. Aba biruin ninyo, handa siyang iwan ang kanyang trabaho sa Malacanang o iwan si Pangulong Rodrigo Roa-Duterte kapag inalok siyang lumabas sa action serye ni Coco.

READ MORE:  Julia Montes, inasinta agad sa rating ang Katapat na si Kris Bernal

Sa isang media get together noong Martes, hindi ikinaila ni Roque na pangarap niyang lumabas sa FPJAP ng ABS-CBN. Kaya naman nagkakatawanan sa lamesa namin dahil kung makailang beses nitong binanggit ang action serye ni Coco.

Kasama kasi namin sa lamesa sina Manay Lolit SolisTita Noi Calderon, at iba pa na masasabing maka-GMAkaya nasabi ng una na, ‘naku magtatampo ang mga AlDub niyan at GMA.’

Kaya naman biglang bawi si Roque at sinabing nanonood din siya ng GMA show. ”Actually po sa balita, ang pinanonood ko po ay ‘24 Oras.’”

Malapit sa showbiz si Roque dahil marami sa mga kaibigan niya ay taga-showbiz tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Piolo Pascual, Claudine Barretto at iba pa. May mga nagawa na rin siyang collaborative work sa ibang grupo sa entertainment industry.

READ MORE:  Tagumpay ng Pangako Sa ‘Yo nina Echo at Kristine, tiyak na malalampasan pa ng KathNiel
READ MORE:  Kinita ni Mystica sa FPJAP, ibinuhos lahat sa van

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved