Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mga opisyal sinibak: 75-taon kontrata ng Nayong Pilipino para sa casino tablado sa Pangulo
Mga opisyal sinibak: 75-taon kontrata ng Nayong Pilipino para sa casino tablado sa Pangulo

Mga opisyal sinibak: 75-taon kontrata ng Nayong Pilipino para sa casino tablado sa Pangulo

READ: Sa ikalawang pagkakataon: Taguig ginawaran ng Crown Maintenance Award

HABANG masayang idinaraos ng Nayong Filipino Foundation (NPF) ang groundbreaking ng kanilang proyekto sa Chinese casino investor Landing Resorts Philippines Development Corp., sa Entertainment City, kasama si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chair Didi Domingo, inihayag naman ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na sinisibak na niya ang mga opisyal ng nasabing foundation dahil pumasok sa isang kontratang ‘grossly disadvantageous’ sa pamahalaan.

Ang sakit naman!

Talagang tanggal ang ‘mukha’ ng mga matatakaw sa kuwarta sa ginawa ng Pangulo.

Alam ba ninyo kung itong ‘grossly disadvanta­geous’ contract na ito?!

READ MORE:  Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

‘Yan po ang 75-year long-term lease contract para gamitin ang nasabing propriedad ng gobyerno.

E kasi naman, ilang beses nang sinabi ng Pangulo na ayaw niya ng casino, e bakit ba patuloy na naggigiit ang PAGCOR na dagdagan pa ang mga casino sa bansa?

“I hate gambling!” sabi ni Tatay Digong.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gusto ng Pangulo na kanselahin ang 70-year lease contract na “grossly disadvantageous” sa pamahalaan.

E mantakain n’yo naman, 75 years?!

Ibig sabihin ‘yung batang isisilang ngayon, kapag umabot na siya sa edad 75 anyos, noon pa lang din matatapos ang kontrata ng Chinese casino investor Landing Resorts Philippines Development Corp., sa Nayong Filipino Found­ation.

READ MORE:  PCOO allergic na kay Mocha

Ang hindi naman natin maintindihan, bakit patuloy na pumapasok sa mga ganitong klase ng kontrata si PAGCOR chair, Madam Didi Domingo gayong siya ang kinatawan ng gobyerno at dapat ay hindi niya nakakalimutan kung ano ang bilin ng Pangulo?!

Hindi ba nakikita ni Madam Didi kung gaano kaagrabyado ang gobyerno sa kontratang ‘yan?!

Itatayo raw ang US$1.5-bilyong Nayon Filipino theme park, convention center, hotels, offices at commercial facilities sa nasabing 100,000 square-meter solar malapit sa Entertainment City.

Klarong-klaro na ang solar na ‘yan ay ilalaan purely for entertainment business at ang malaking pagkakakitaan diyan ay casino.

READ MORE:  Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

So ibig sabihin, ‘yung ibang amenities ay added features lang, pero casino talaga ang ipu-push diyan dahil ‘yun lang naman ang rason kung bakit kausap nila ang PAGCOR.

Ang problema, ayaw nga ni Pangulong Digong, e.

So paano ba ‘yan, Madam Didi? Better luck next time?!

Pansamantala, kumembot-kembot at mag-aliw-aliw muna kayo sa ballroom para mabawasan ang stress ninyo.

‘Yun lang!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved