Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Manoy Eddie, ibinunyag, sikreto ng pangunguna ng FPJAP
Manoy Eddie, ibinunyag, sikreto ng pangunguna ng FPJAP

Manoy Eddie, ibinunyag, sikreto ng pangunguna ng FPJAP

READ: Ryan, posibleng mabalda ‘pag ‘di agad nagpa-therapy

IBINUNYAG ni Eddie Garcia ang sikreto ng FPJ’s Ang Probinsyano kung bakit nangunguna ito at hindi matalo-talo.

Anang beteranong actor, hindi lamang bida si Coco Martin kundi tinututukan din ang script at nagdidirehe ng longest running top rating action-series ng ABS-CBN.

Aniya, ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ay patuloy ang paghataw nito sa ratings. ”Ang serye ay isang negosyo kaya kung nagre-rate ito, tuloy-tuloy ito. Isang malaking risk kung papalitan ito ng panibagong teleserye dahil hindi ka nakasisiguro kung kikita ito.”

Inamin ng beteranong aktor na nagagandahan siya sa istorya ng action-series at nagagandahan din siya sa akting ni Coco. ”Maraming tagahanga ang aktor at hindi nauubusan ng iba-ibang event ang palabas kaya hindi iniiwanan ng mga manonood.”

Ang maganda pa, gustong-gusto niya ang pinaggagagawa ni Coco na halos buwan-buwan ay may mga bagong mukhang ipinapasok.

READ MORE:  Popularidad ng Aldub, bagsak na (Kaya sa chapel na lang ginawa ang kasal)
READ MORE:  Adrift, isang napakaganda at heartbreaking love story na kailangang panoorin

“Kagagawan ni Coco ang pagpasok ng mga artistang hindi na nakikita sa pelikula o telebisyon. ‘Yung mga artistang walang hanap-buhay ay nabibigyan niya ng hanap-buhay.”

Samantala, babalik ang beteranong aktor sa FPJAP”Kaya ako nagpatubo ng balbas at nagpaputi ng buhok para maiba ang aking karakter sa aking pagbabalik,” sambit pa ni Eddie.

READ MORE:  Jake, nag-sorry kay Jericho

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved