Friday , April 26 2024
kylie Robin Padilla Aljur Abrenica
kylie Robin Padilla Aljur Abrenica

Aljur, nagmano na kay Robin

READ: Singaporean-American novelist, sobrang bumilib kay Kris; She’s a highlight of the movie

KAABANG-ABANG ang kuwento ng Sana Dalawa Ang Puso ngayong linggo dahil minamanmanan nina Leo Tabayoyong (Robin Padilla) at Mona (Jodi Sta. Maria) si Mr. Supapi (Leo Martinez) kung kaninong sindikato siya konektado.

Nagpanggap na magkasintahan sina Leo at Mona dahil nagduda si Supapi kung sino ang una at bakit siya napadpad sa lugar nila.

At dahil iniligtas ni Leo ang buhay ni Supapi ay kinuha siyang bodyguard na hindi naman tinanggihan ng una para na rin mas lalo niyang mabantayan ang sabungero.

Anyway, ano ang papel ni Irma Adlawan (Sandra Tan) sa buhay ni Lisa Laureano-Tabayoyong (Jodi) dahil masyado siyang malapit sa asawa ni Leo?

At ano ang kaugnayan din ni Sandra sa tatay ni Lisa na si Juancho Laureano (Christopher de Leon).

Ang bagong pasok na karakter sa Sana Dalawa Ang Puso na si Primera (Denise Laurel) ang magiging kaaway ni Mona dahil may gusto ang una kay Martin (Richard Yap) na talagang gagawin ang lahat makuha lang ang binata.

Going back to Robin ay muli silang nagkaharap ng ama ng apo niyang si Alas na si Aljur Abrenica sa ginanap na birthday party ng bagets at nag-mano pa sa kanya ang aktor na ikinatuwa ng mga nakakita.

Kasamang dumalo ni Binoe ang asawang si Mariel Rodriguez at anak nilang si Isabella.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *