Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Staff ni SAP Go comatose sa suicide
Staff ni SAP Go comatose sa suicide

Staff ni SAP Go comatose sa suicide

COMATOSE ang isang empleyado ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, nang magbaril sa sarili sa bodega ng kanilang tanggapan sa Davao City kahapon.

Batay sa police report na ibinigay sa media kahapon, tinamaan ng bala ng cal. 38 sa ulo si Leo Angelo Apara, 38, regular employee ng Davao City Hall at naka­talaga sa Office of the Special Assistant to the President (OSAP) sa Veloso St., Brgy. 20-B Bo. Obrero, Davao City.

READ MORE:  Bodyguard ng Tuguegarao mayor utas sa ambush

Batay sa testimonya ng saksing si Lourdes Avenido Gonzales, 43, staff sa OSAP, nakita niyang pumasok sa stock room si Apara at mata­pos ang ilang minuto ay nakarinig siya ng putok mula sa silid.

READ MORE:  18-anyos dalagita nakatakas sa manyak na kidnaper

Natagpuan niya na duguang nakahandusay sa loob ng stock room ng kanilang opisina si Apara at agad dinala sa San Pedro Hospital.

READ MORE:  Mangingisda pinaiiwas sa Ayungin Shoal

Narekober sa bodega ang isang .38 caliber revolver na may serial #ZL99769, may apat na bala at isang basyong bala. Inaalam ng mga pulis kung sino ang may-ari ng baril at bakit dala ito ni Apara.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved