Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Ex-PNoy bahagi ng culture of impunity — Palasyo
Ex-PNoy bahagi ng culture of impunity — Palasyo

Ex-PNoy bahagi ng culture of impunity — Palasyo

INAMIN ng Palasyo na matagal nang umiiral ang “culture of impunity” o kultu­ra ng kawalan ng pana­na­gutan sa bansa at isa si dating Pangulong Benigno Aquino III sa dapat sisihin.

“Meaning, as a former President he shares in…partly in the blame for this culture of impunity,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon.

Ang pahayag ni Roque ay tugon sa pagkuwestiyon ni Aquino sa sinabi ni Pangulong Duterte sa kan­yang ikatlong SONA sa uma­no’y hiwalay ang human lives sa human rights.

READ MORE:  5 sugatan sa trailer truck vs UV express

Sana aniya ay may gina­wa si Aquino para bigyan ng proteksiyon ang kara­patang pantao noong naka­luklok siya sa Malacañang.

“And I wish he did more also in protecting human life. Because it was during his administration too that the UN also noticed that we were in breach of our obli­gation to right to life espe­cially on the killing of journalists as well,” aniya.

READ MORE:  3 sugatan, kabahayan nawasak sa baha

Paliwanag ni Roque, ang pagsusulong ni Duterte sa drug war ay bunsod ng pagbibigay halaga niya sa buhay ng mga tao. “Well, alam n’yo the President goes by what he says. He is pursuing the drug war, because he values human lives. If the construction of many is that human life is the same or forms part of human rights. Then so be it, that proves my point, the President is espousing, protecting, advancing human rights if you view human life as part human rights. No argument there,” dagdag niya. Batay sa ulat ng pulisya, umabot sa 4,300 katao ang namatay sa drug-related incidents mula nang mag­simula ang drug war ng ad­minis­trasyong Duterte.

READ MORE:  Parish priest ng Loboc nagbigti

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved